Matatagpuan ang Asya sa hilaga at silangan ng mundo. Ito ang pinakamalaking kontinente na sumasaklaw mula 10 degrees timog latitude hanggang 90 degrees hilagang latitude, at mula 11 degrees hanggang 175 degrees silangang longitude. Pinalilibutan ito ng Karagatang Arctic sa hilaga, Karagatang Pasipiko sa silangan, at Karagatang Indian sa timog. Sa kanluran, ang hangganan nito ay ang mga bundok ng Ural, Caucasus, at mga kipot sa Turkey (Bosphorus, Dardanelles, at Dagat Marmara) na naghihiwalay sa Asya mula sa Europa.Ang Asya ay tahanan ng iba't ibang rehiyon tulad ng Hilagang Asya, Silangang Asya, Timog Asya, Timog-Silangang Asya, at Timog Kanlurang Asya. Dito na umusbong ang ilan sa mga pinakamatandang sibilisasyon sa mundo, tulad ng Mesopotamia, lambak ng Indus, at Tsina.