Bilang isang mag aaral, malaki ang nagiging epekto ng kalamidad sa aking pag-aaral. Una, nahihinto ang klase dahil sa baha, bagyo o lindol kaya napuputol ang tuloy tuloy na pag aaral kaya nahuhuli kami sa mga aralin.Pangalawa, kung nasira ang bahay o gamit, mahirap makapagbigay atensyon sa pag aaral dahil iniisip ang kaligtasan ng pamilya at mga bagay na nawala. Minsan, wala ring kuryente o signal kaya hindi makapasok sa online class o makagawa ng assignment.Sa kabuuan, ang kalamidad ay hindi lang nakakaapekto sa lugar kundi pati sa aming pag-iisip at oras para sa pag-aaral. Kailangan ding magsipag para makabawi sa nawalang araw ng klase.^^