Ang lipunan ng Aztec ay mahigpit ang pagkakaayos at nahahati sa iba't ibang antas. Pinamumunuan ito ng emperor o tlatoani, na may pinakamataas na kapangyarihan sa politika at relihiyon. Mayroon ding maharlika na nagsilbing opisyal at mandirigma, at mga karaniwang tao tulad ng magsasaka, artisan, at mangangalakal.Bilang bahagi ng lipunan, mahalaga rin ang mga pari o priest, na namahala sa mga ritwal at panrelihiyong gawain. Ang sistemang ito ay nagpapakita ng organisasyon at disiplina na nakatulong sa pagpapaunlad ng kabihasnan ng Aztec.Sa baba ay ang sistema ng hirerkiya sa Aztec ayon sa Aztec Empire Project