Ang mga katangian ng kabihasnan sa Insular Southeast Asia na aking hinahangaan ay ang kanilang kakayahang umangkop sa kanilang kapaligiran dahil sa pagiging mga kapuluan, natutunan nilang magkaroon ng malawak na pakikipag-ugnayan sa ibang mga lugar sa pamamagitan ng kalakalan at alyansa.Hinangaan ko rin ang kanilang pagkakaroon ng makasaysayang kultura at sining, tulad ng mga monumental na arkitektura gaya ng mga templo (hal., Borobudur sa Indonesia) at seremonyal na pagdiriwang, na nagpapakita ng malalim nilang paniniwala at paggalang sa kanilang mga tradisyon at espiritu.Bukod dito, ang mga kabihasnang ito ay kilala rin sa kanilang organisadong pamahalaan at kaharian, katulad ng Srivijaya at Majapahit, na namuno sa kalakalan at politika sa rehiyon, na nagbigay daan sa pag-unlad ng ekonomiya at kultura.