Tatlong antas ng Pang-uri1. Lantay — Ito ang pinakapayak na anyo ng pang-uri. Tumutukoy ito sa isang katangian lamang ng pangngalan o panghalip.Halimbawa: Maganda ang bulaklak.2. Pahambing — Ginagamit ito kung inihahambing ang dalawang tao, bagay, hayop o pangyayari.Halimbawa: Mas mataas si Carlo kaysa kay Juan.3. Pasukdol — Ito ang pinakamatindi o pinakadakilang antas ng pang-uri.Halimbawa: Pinakamabait siya sa lahat ng magkakaibigan.