Mahalagang Pook sa KasaysayanRizal Shrine sa Dapitan, Zamboanga del Norte, kung saan ipinatapon si Jose Rizal noong panahon ng Espanyol.Fort Santiago sa Intramuros, Maynila, kung saan ikinulong si Rizal bago siya barilin.Rizal Park o Luneta sa Maynila, lugar kung saan binaril si Rizal noong Disyembre 30, 1896.Aguinaldo Shrine sa Kawit, Cavite, kung saan inihayag ni Emilio Aguinaldo ang kalayaan ng Pilipinas noong Hunyo 12, 1898.Krus ni Magellan sa Lungsod ng Cebu, isang replika ng krus na itinayo ni Ferdinand Magellan noong 1521.Palasyo ng Malacañang sa Maynila, opisyal na tirahan ng Pangulo ng Pilipinas at nagsilbing tirahan mula pa noong panahon ng Espanyol.Simbahan ng Barasoain sa Malolos, Bulacan, kung saan unang nagtipon ang mga kinatawan sa Kongreso ng Malolos para buuin ang saligang batas.Corregidor Island, isang militar na kuta na naging tanggulan ng mga Pilipino at Amerikano sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.Dambana ng Kagitingan sa Mount Samat, Bataan, isang memorial para sa mga bayani ng laban sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig.