Dulot Ng Imperyalismo Sa PilipinasPagbabago sa Kultura - Naimpluwensyahan ng mga dayuhang mananakop ang mga kaugalian, tradisyon, at pananaw ng mga Pilipino. Maraming nakalimutang sariling kultura at mas napamahal ang ilan sa banyagang kaugalian.Paglaganap ng Relihiyon - Ang Katolisismo ay naipakilala ng mga Espanyol at naging pangunahing relihiyon ng karamihan sa Pilipinas, na siyang humubog sa paniniwala at gawi ng mga Pilipino.Pagbabago sa Sistema ng Pamahalaan - Naitatag ang sentralisadong pamahalaan at nabago ang sistema ng pamamahala, kung saan ang mataas na posisyon ay kadalasang napunta sa mga dayuhan.Pag-unlad ng Imprastruktura - Ipinatayo ang mga paaralan, ospital, simbahan, tulay, kalsada, riles ng tren, at irigasyon na nagpaunlad din sa transportasyon at komunikasyon sa bansa.Pagbabago sa Ekonomiya - Naging tagapagtustos ng hilaw na materyales ang Pilipinas sa mga mananakop at naranasan ang monopolyo sa kalakalan. Nabago rin ang kabuhayan ng marami at nagkaroon ng mga bagong industriya at pabrika.Pagusbong ng Edukasyon - Ipinasok ng mga dayuhan ang pormal na sistema ng edukasyon at nagpatayo ng mga paaralan at unibersidad, na nagpaunlad sa kakayahan ng mga Pilipino.Pagbabago sa Pamumuhay - Nagdulot ng pag-usbong ng musika, sining, teknolohiya, kalusugan, panitikan, at mas modernong pamumuhay.