HotelInfantesAgres - Bawat tanong, may sagot. Logo

In Araling Panlipunan / Senior High School | 2025-08-12

Paano naiba-iba ang mga tao sa Timog-Silangang asya batay sa wika,relihiyon,pamumuhay,at pamahalaan?Paano mo masasabi na may pagkakapareho sila dahil sa kalinangang Austranesyano?

Asked by prietosnjojie

Answer (1)

Pagkakaiba-iba ng mga tao sa Timog-Silangang Asya batay sa:Wika - May iba't ibang grupo ng wikang ginagamit tulad ng Austronesyano, Sino-Tibetan, ug Austroasiatic. Iba-iba ang mga salita, tunog, at gramatika depende sa etnolinggwistikong grupo.Relihiyon - Maraming relihiyon sa rehiyon gaya ng Budismo, Islam, Kristiyanismo, Hinduismo, at mga katutubong paniniwala. Iba-iba ang pananampalataya at ritwal ng bawat grupo depende sa kasaysayan at impluwensya ng mga dayuhang mangangalakal at mananakop.Pamumuhay - Mayroon silang magkakaibang uri ng hanapbuhay tulad ng pagsasaka sa mga kalupaan, pangingisda sa mga baybayin, o trabaho sa mga lungsod. Ang mga ritwal, seremonya, at kultura ay nakakaapekto rin sa kanilang araw-araw na buhay.Pamahalaan - May iba’t ibang sistema ng pamahalaan ang mga bansa. Mula sa mga monarkiya, demokratiko, hanggang sa sosyalistang estado. Ang mga istruktura at pamamalakad ay nakaayon sa kani-kanilang kasaysayan at koloniyal na karanasan.

Answered by Sefton | 2025-08-24