Una Panauhan (Ako): Ako mismo ang nagkuwento kung ano ang nangyari. Ako ang nakasaksi at nagsalaysay gamit ang aking karanasan. Ikalawang Panauhan (Ikaw): Ikaw ang bida sa kuwento. Halimbawa, "Ikaw ang nakakita ng mahiwagang bato at ikaw din ang naglakbay upang hanapin ang lihim nito." Ikatlong Panauhan (Siya/Sila): Siya o sila ang tauhan. Halimbawa, "Si Juan ay naglakad patungo sa gubat at doon niya nakita ang isang matandang ermitanyo."