Ang isang katangiang nakakamangha sa Funan ay ang kanilang maunlad na kalakalan at pagiging sentro ng komersyo sa Timog-Silangang Asya noong sinaunang panahon.Hinahangaan ko ito dahil, kahit wala pa ang makabagong teknolohiya, nagawa nilang makipagkalakalan sa mga bansang tulad ng India at China gamit ang mga ruta sa dagat at ilog. Ipinapakita nito na marunong silang gumamit ng kanilang lokasyon para umasenso at makipag-ugnayan sa iba’t ibang kultura.