Wika ng Banal na Kasulatan, "Mahalin mo ang iyong kapwa katulad ng pagmamahal mo sa inyong sarili." Nangangahulugan ito ng pagkilala sa dignidad na taglay ng lahat ng tao. Nauunawaan ko kaya? Paano ko nga kaya magagawa ito? Alam ko na. Dapat sikaping isabuhay ang kabutihan, ang karangalan at dignidad ng kapwa. Iwasang maging masama. Huwag gantihan ng masama ang pagkakasala ng inyong kapwa. Lalong-lalo na ang limitasyon ng pagkakaroon ng pagmamahal sa mga material na bagay. Igalang ang tao sa pamamagitan ng mga simple ngunit makabuluhang pamamaraan ng instrument ng sanhi. Sa lahat ng aking gagawin, hihingiin ko ang patnubay at pagpapala ng Lumikha tulad ng nakagisnan nating ginagawa ng ating mga ninuno.