Ang mapanagutang paggamit ng kalayaan ay mahalaga para sa akin bilang isang mag-aaral. Natutunan ko na hindi ibig sabihin ng kalayaan ay gawin ang lahat ng gusto ko nang walang iniisip na epekto sa iba. Dapat alam ko ang hangganan ng aking kalayaan at respetuhin ang karapatan ng ibang tao.Gumagamit ako ng aking kalayaan sa paggawa ng tama, tulad ng pagsunod sa mga alituntunin sa paaralan at pagiging magalang sa kapwa. Kapag hindi ako responsable sa paggamit ng kalayaan, maaring masaktan ang ibang tao o magkaroon ng problema.