Ang heograpiyang pantao ng Pilipinas ay makikita sa ugnayan ng populasyon, katutubong mamamayan, at iba’t ibang etnolinggwistikong pangkat.Ang Pilipinas ay may mahigit 100 milyong mamamayan na nakakalat sa mahigit 7,000 isla. Matao sa mga lungsod tulad ng Maynila, Cebu, at Davao, habang mas kakaunti sa mga liblib na pulo at kabundukan.Mayroon ding katutubong populasyon o indigenous peoples na tinatayang umaabot sa higit 14 milyon. Kabilang dito ang mga Igorot sa Cordillera, Mangyan sa Mindoro, Lumad sa Mindanao, at Aeta sa Gitnang Luzon.Sa aspeto ng etnolinggwistikong pangkat, may higit 180 wika at diyalekto sa bansa. Pinakamalalaking pangkat ay ang Tagalog, Cebuano, Ilocano, Hiligaynon, Waray, at Tausug. Ang pagkakaibang ito sa wika at kultura ay nagpapayaman sa pagkakakilanlan ng Pilipinas at nagpapakita ng malalim na kasaysayan ng pakikipag-ugnayan at pamumuhay ng iba’t ibang grupo.