Pinili ko ang pinsan kong si Kuya Jomar. Napansin ko na madalas siyang tahimik, hindi sumasali sa usapan, at parang mababa ang tingin niya sa sarili. Kinausap ko siya nang maayos, hindi bilang tagapayo, kundi bilang kapamilya na handang makinig.Sinabi ko sa kanya na mahalaga siya sa amin, at kahit hindi siya palaging bida, may halaga ang ginagawa niya. Binigyan ko siya ng simpleng papuri sa mga bagay na kaya niyang gawin—tulad ng pag-aalaga sa mga alaga naming hayop at pagtulong sa bahay. Unti-unti, nakita ko na mas lumalakas ang loob niya. Ngayon, mas madalas na siyang nakikipag-usap at nakangiti.Sa simpleng pakikipag-usap, pakikinig, at pagbibigay ng suporta, naipakita ko na ang dignidad ng isang tao ay dapat ingatan—kahit pa minsan nakakalimutan nila ang halaga nila.