IV. Panuto: Sa bahaging ito, ang mga mag-aaral ay kanilang isusulat sa patlang ang K kung ang pahayag ay tumutukoy sa katotohanan at O naman kung ito ay opinyon. natin. 1. Masipag ang ating mga ninuno. 2. Ang mga ninuno natin ay nakipagkalakalan para sa tela. 3. Ang mga bundok noon ay sagana sa ginto. 4. Nagbubungkal ng lupa ang ating mga ninuno. 5. Mahusay ang Sistema ng patubig ng mga sinaunang Pilipino. 6. Nanghuli at nag-alaga ang mga ninuno natin ng mga hayop. 7. Gumawa ng kagamitan sa pangingisda ang mga ninuno 8. Pinakinis na mga bato ang ginamit ng ating mga ninuno sa paggawa ng ilang bagay. 9. Maraming likas na yaman ang nasayang at hindi napakinabangan ng ating mga ninuno. 10. Sapat ang likas na yaman ng ating bansa noon upang matugunan ang mga pangangailangan ng ating mga ninuno.