SrivijayaIsa itong makapangyarihang imperyo sa Timog-Silangang Asya mula ika-8 hanggang ika-12 siglo na naging sentro ng kalakalan, relihiyon (partikular ang Budismo), at kultura. Napalakas nito ang kalakalan sa rehiyon dahil sa kontrol nito sa mga rutang pangkalakalan sa dagat, lalo na ang Kipot ng Malacca. Nakatulong itong palaganapin ang Budismo sa kapuluan at maging mahalagang sentro ng pag-aaral at panrelihiyong aktibidad.SailendraIsang dinastiya sa Java na kilala sa pagtataguyod ng Mahayana Buddhism at nagtayo ng mga sikat na estruktura tulad ng Templo ng Borobodur, isang mahalagang Buddhist monumento na simbolo ng kanilang pananampalataya at sining. Nakipagsanib din sila sa Srivijaya sa pamamagitan ng kasal ng mga pinuno, na nagpatibay sa alyansa at kalakalan sa pagitan nila. Pinagyaman nila ang kultura at relihiyong Buddhista sa rehiyon.