Sa modernong panahon, maraming kontemporaryong isyu ang sumasalamin sa pagbabago ng kultura. Una, ang unti-unting pagkawala ng kultura ng paggalang sa mga nakatatanda ay nakikitang bunga ng mabilis na impluwensya ng teknolohiya at banyagang kultura. Dati, likas sa kabataan ang pagmamano at paggamit ng magagalang na pananalita, ngunit ngayon ay mas bihira na ito. Ikalawa, ang maling paniniwala na kapag kulay orange sa traffic light ay dapat magmadaling tumawid ay nagdudulot ng panganib at nagpapakita ng kakulangan sa disiplina sa kalsada. Ikatlo, ang paghalik ng Pangulo sa labi ng isang OFW sa South Korea ay nagbunsod ng iba’t ibang opinyon hinggil sa respeto at kaugalian. Ipinapakita ng mga halimbawang ito na mahalagang mapanatili at palakasin ang ating tradisyon at wastong asal upang mapanatiling buo ang ating pagkakakilanlan bilang Pilipino.