Kultura'y Yaman, Atin Itong Pagyamanin Ako'y isang lingkod ng bayang nagmamahal,Sa kulturang pinoy, puso'y umaapaw.Mga tradisyon nati'y aking itatanghal,Sa bawat sulok ng mundo, isisigaw. Sa Luzon, Visayas, at Mindanao man,Iba't ibang yaman, ating matatanaw.Sayaw, awit, at mga kasuotan,Mga sining na sa puso'y bumubuhay. Sikapin natin itong pagyamanin,'Wag hayaang limot, sa puso'y ibaon.Kultura'y yaman, dapat natin itong angkinin,Para sa kinabukasan, ating baon. Sa bawat henerasyon, ituro't ikintal,Ang mga aral na sa ati'y pamana.Kultura'y identidad, 'wag nating ikahiya,Ito'y ating kayamanan, ipagmalaki't ipagpala.