Mga Limang Ambag ng Babylonian1. Code of Hammurabi - Isang koleksyon ng 282 batas na may prinsipyong "mata para sa mata, ngipin para sa ngipin," na nagsilbing gabay sa batas at katarungan.2. Sistema ng pamahalaan at buwis - Itinatag nila ang centralized bureaucracy at sistema ng pagbabayad ng buwis para sa mas organisadong pamamahala.3. Pag-unlad sa matematika at astronomiya - Gumawa sila ng number system batay sa 60, na naging batayan ng 360 degrees sa bilog at ng minuto at segundo sa oras.4. Pagpayabong ng panitikan - Naitala at naipreserba ang epikong Gilgamesh, isa sa pinakamatandang literatura sa mundo.5. Kalakalan at negosyo - Pinaunlad nila ang sistema ng kalakalan gamit ang mga kontrata at selyo bilang seguridad sa mga transaksyon.