HotelInfantesAgres - Bawat tanong, may sagot. Logo

In Filipino / Senior High School | 2025-08-09

Hiling sa Bagong Umaga (Ikalawang Bahagi) ni Mark Ryan V. Canimo Panay ang iwas ni Andrei sa kaniyang nakakasalubong na tao sa makipot daan papasok sa kanilang bahay . Sumasakit ang mga mata niya sa nakikita mga babaeng nagtumpok at nagkukuwentuhan. Sa kabilang banda naman daan ay mga kabataan na nagtitipon sa bilyaran. Napapakamot na lamang a binata sa nakikita niya sa kanilang lugar sa kabila ng kaniyang pangamba. Papalapit pa lamang sa pinto ng kanilang bahay ay kita na niya a kaniyang nakababatang kapatid na si Karen, matamlay ang mga mata at tahim na nakaupo sa luma nilang sofa. "Anong iniisip mo bunso? May problema ka ba?" May halong pag-aalala tanong ng binata sa kapatid. "Nakatanggap kasi ako ng tawag mula sa boss ko kuya." Pakli ni Karen. "O, anong sabi sa'yo?" Pag-uusisa ng binata sa kapatid na nangingilid ang luha sa mga mata. Hindi na sumagot si Karen kaya mahigpit na lama niyang niyakap ang kapatid. Alam na niya ang sagot ng kapatid sa pananahimik lamang nito. Namamasukan si Karen sa isang maliit na tahian ng sportswear. "I am now placing the entire islands of Luzon in General Commu Quarantine" pahayag ng pangulo mula sa telebisyon na hindi na ikinagulat Andrei dahil sa napansin niya sa kalsada o sa labas ng bahay . Naging tahimik gabing iyon para sa kanilang pamilya. Ipinikit ni Andrei ang kaniyang m taimtim na nalangin habang nakahiga sa kaniyang lumalangitngit na kama. Kinabukasan, ang dating maingay at mataong eskinita ay nabalot katahimikan. Iilan na lamang ang nakikita niyang nasa labas na karaniwan sandamakmak na tao kahit umagang-umaga. Pagsapit ni Andrei sa labas eskinita ay nakasalubong niya si Aling Alice na bakas ang pagkadism pagkagaling lang sa katapat na botika. Tanaw na tanaw niya mula sa kinatatay ang mga taong umaalis sa botika na tulad ng hitsura ni Aling Alice. Napakadalang ng dumaraang jeep, kung mayroon man ay wala na si lakas para makipag-unahan pa. Umabot na ng isa't kalahating oras ang aabang niya. Naipon na rin sa kalsada ang mga katulad niyang umaa makapasok pa ng trabaho sa araw na iyon. Maya-maya'y nagkagulo sa kabilang tumpukan ng mga naghihinta masasakyan. May kung anong pakiramdam ang humila sa kaniya upang lu sa nagkakagulo. Ang lahat ay nakapaligid sa isang babaeng nakahandusa daan. Namilog ang mga mata ni Andrei sa nakita. Biglang sumikip ang kan dibdib ngunit agad-agad siyang lumapit dito upang siguraduhin ang nakita. C. Pag-unawa sa Binasa1. Ano-ano ang napansin ni Andrei sa daan papunta sa kanilang bahay?2. Paano mo mailalarawan ang reaksyon ng pangunahing tauhan sa kaniyang mga naoobserbahan sa kaniyang paligid?3. Ano ang dahilan ng pagkatamlay at tahimik ni Karen?4. Sa iyong palagay, bakit hindi na nagulat si Andrei sa anunsyo ng pangulo? ilahad ang pagbabago ng senaryo ng eskinita mula ng ianunsyo ang General Community Quarantine?5. Bakit kaya dismayado si Aling Alice pagkagaling sa niya sa botika?6. Alin sa mga pangyayari sa binasa ang nakapukaw sa iyong interes?Ipaliwanag.7. Punan mo ang talahanayan ng mga pangyayari mula sa binasa na may taglay na pahiwatig o hindi lantad na kahulugan. Pagkatapos ay bigyan mo ng sariling interpretasyon o pagpapakahulugan ang mga ito.PahiwatigInterpretasyoninteres 8. Nakatutulong ba ang mga pahiwatig na ito upang madagdagan ang inter Ang mga mambabasa? Ipaliwanag.​

Asked by jrdalec05

Answer (1)

Answer:**1. Ano-ano ang napansin ni Andrei sa daan papunta sa kanilang bahay?**Napansin niya ang mga babaeng nagkukuwentuhan sa gilid ng daan at ang mga kabataang naglalaro o nagtitipon sa bilyaran.---**2. Paano mo mailalarawan ang reaksyon ng pangunahing tauhan sa kaniyang mga naoobserbahan sa kaniyang paligid?**May pangamba at pag-aalala siya sa nakikita sa paligid, pero tinatanggap na lamang niya at pinipiling umuwi nang tahimik.---**3. Ano ang dahilan ng pagkatamlay at tahimik ni Karen?**Nakatanggap siya ng tawag mula sa kaniyang boss na nagpapahiwatig na mawawalan siya ng trabaho sa maliit na tahian ng sportswear.4. Sa iyong palagay, bakit hindi na nagulat si Andrei sa anunsyo ng pangulo? Ilahad ang pagbabago ng senaryo ng eskinita mula ng ianunsyo ang General Community Quarantine.**Hindi na siya nagulat dahil nakikita na niya ang kakaibang katahimikan at kakaunting tao sa labas bago pa ang anunsyo.**Pagbabago ng eskinita:** Mula sa dating maingay at puno ng tao tuwing umaga, naging tahimik at halos walang naglalabas-masok sa kalsada.5. Bakit kaya dismayado si Aling Alice pagkagaling niya sa botika?Malamang ay hindi siya nakabili ng gamot o mahirap na itong makuha dahil sa limitadong supply o dami ng taong bumibili.6. Alin sa mga pangyayari sa binasa ang nakapukaw sa iyong interes? Ipaliwanag.Ang eksenang may babaeng nakahandusay sa daan. Ito ay nakapupukaw ng interes dahil nakapagbibigay ito ng misteryo at tensyon—hindi malinaw kung ano ang nangyari sa babae at ito ay mahalaga sa takbo ng kuwento.8. Nakatutulong ba ang mga pahiwatig na ito upang madagdagan ang interes ng mga mambabasa? Ipaliwanag.Oo, dahil ang mga pahiwatig ay nagbibigay ng misteryo at naghihikayat sa mambabasa na magpatuloy sa pagbasa upang malaman ang buong pangyayari. Pinapagana nito ang imahinasyon at pag-uusisa, kaya mas nagiging kapanapanabik ang kuwento.

Answered by Zicy | 2025-08-09