HotelInfantesAgres - Bawat tanong, may sagot. Logo

In Filipino / Senior High School | 2025-08-09

Gawain 7. Campaign Poster-making Panuto: Isa sa malaking suliranin na kinakaharap ng lipunan ay ang kawalan ng trabaho o kita ng mga mamamayan na siya ring ugat ng kahirapan. Mapapansin din na bagamat hindi sapat ang kita, marami sa mga tao sa kasalukuyan ang kulang sa financial literacy kaya ang pagkonsumo nila ay lagpas na sa kanilang pinansiyal na kapasidad. Bilang isang kabataang mulat sa ganitong katotohanan, marami kang magagawa upang makatulong na maibsan ito kahit sa simpleng paraan. Isa na rito ang paggawa ng campaign poster na bahagi ng adbokasiyang turuan at imulat ang mga kabataang tulad mo pati na ang mga mamamayan sa inyong lugar sa wastong pamamahala ng kanilang konsumo at pinansiyal na kapasidad. Bilang bahagi ng huling gawain sa modyul na ito, ikaw ay gagawa ng campaign poster na nagpapakita na kamalayan sa pagkonsumo at pamamahala sa pinansiyal na kapasidad. Ang campaign poster na ito ay maaring drawing, essay, slogan, collage, My Pledge of Expenses, tula, o larawan. Sundin ang tiyak na patnubay at rubric sa susunod na pahina: 1. Gumamit ng matibay na materyal (e.g. cardboaord, illustration board) na hindi madaling masira. 2. Ang campaign poster ay dapat parisukat na may isang metro ang lapad sa bawat sulok. 3. Kung gagamit ng materyal na maaring mabasa, lagyan ito ng balot o cover na hindi nababasa. RUBRIK sa Pamantayan ng Pagmamarka​

Asked by hegegz6swu2iwh

Answer (1)

Konsepto: Isang makulay na poster na nagpapakita ng kabataan at mamamayan na marunong mag-budget, umiwas sa labis na paggastos, at nag-iimpok para sa kinabukasan.Mga Elemento ng Poster:Slogan: “Isipin Bago Gastusin – Para sa Matatag na Kinabukasan!”Larawan:Kabataan na may alkansya.Pamilya na sabay-sabay gumagawa ng budget.Mga tao sa palengke na namimili lamang ng kailangan.Kulay: Maliwanag at positibo (gaya ng dilaw at asul) upang magbigay ng inspirasyon.Simbolismo: Mga imahe ng alkansya, calculator, at listahan ng gastusin bilang tanda ng maayos na financial planning.Paliwanag:Ang poster ay magbibigay ng paalala na ang bawat piso ay mahalaga.Ipinapakita nito ang tamang gawi tulad ng pag-iimpok, pagbili ng kailangan lamang, at pagsunod sa budget.Magiging gabay ito para sa mga kabataan at pamilya na umiwas sa utang at maghanda para sa emergencies.

Answered by dapperdazzle | 2025-08-19