Narito ang kahulugan ng pamagat, tauhan, tagpuan, buod at aral:Pamagat – Ito ang pangalan o titulo ng kuwento. Dito natin malalaman kung tungkol saan o kanino umiikot ang istorya.Tauhan – Sila ang mga karakter sa kuwento. Maaaring sila ang gumaganap bilang bida, kontrabida, o iba pang sumusuporta sa takbo ng pangyayari. Maaari rin silang maging hayop, bagay, o maging isang taong may kapangyarihan, depende ito kung maikling kwento, alamat, epiko, o mitolohiya. Tagpuan – Ito ang lugar at panahon kung saan naganap ang kuwento. Mahalaga ito upang malinaw na mailarawan ang kapaligiran at oras ng mga pangyayari.Buod – Ito ang maikling salaysay ng pinakamahalagang bahagi ng kuwento. Hindi ito detalyado, ngunit sapat upang maunawaan ang kabuuang pangyayari.Aral – Ito ang mensahe o leksyon na makukuha mula sa kuwento. Ito ay nagtuturo ng mabuting asal o wastong pananaw sa buhay.