Ang pangngalan ay may dalawang uri:Pangngalang pantangi ay tumutukoy sa tiyak na ngalan ng tao, bagay, hayop, pook, o pangyayari. Nagsisimula ito sa malaking titik. Halimbawa: Rizal, Pasko, Maynila.Pangngalang pambalana ay pangkalahatang ngalan ng tao, bagay, hayop, pook, o pangyayari. Karaniwang nagsisimula sa maliit na titik. Halimbawa: bansa, guro, aso, parke, pista.