Ito ay pantay pero hindi patas.Pantay, dahil lahat ng estudyante ay binigyan ng parehong aralin at pantay-pantay ang tinanggap nilang materyales o gawain. Ngunit hindi ito patas, dahil may ilang estudyante na nahuhuli at nangangailangan ng dagdag tulong o mas angkop na paraan ng pagtuturo para makasabay. Sa patas na sistema, isasaalang-alang ang kakayahan at pangangailangan ng bawat isa upang lahat ay magkaroon ng pantay na oportunidad na matuto.