Ang pangunahing pangyayari sa kwento ni Maria Mapangarapin ay noong siya ay niregaluhan ng isang binata ng isang dosenang manok. Masigasig niyang inalagaan ang mga manok at nagplano na ipagbili ang mga itlog na iniluwal ng mga inahing manok upang makabili ng magarang tela at magpagawa ng magandang bistida. Ngunit habang papunta siya sa bayan dala ang limang dosenang itlog, dahil sa sobrang pamangarapin at hindi pagtingin sa daan, nahulog ang lahat ng itlog. Dahil dito, nawasak ang kanyang pangarap at siya ay labis na nalungkot at umiyak.