SanaysayAng sinaunang kabihasnan ng kapuluang Timog-Silangang Asya ay natatangi dahil nakabuo ito ng mayamang kultura at tradisyon na humubog sa pagkakakilanlan ng mga mamamayan. Bunga ng lokasyon nito, naging sentro ito ng kalakalan, palitan ng kaalaman, at pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang lahi tulad ng mga Tsino, Indiyano, at Arabe. Ang mga impluwensiyang ito ay humalo sa lokal na kultura, na nagresulta sa kakaibang anyo ng sining, paniniwala, at pamumuhay.Ibig sabihin nito ay ang kapuluang Timog-Silangang Asya ay may mahalagang ambag sa kasaysayan at kultura ng daigdig. Pinapakita nito na kahit magkakaiba ang pinagmulan ng mga tao sa rehiyon, nagagawa nilang bumuo ng isang matatag at mayamang kabihasnan sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan at pagpapalitan ng kaalaman. Ito ay patunay na ang pagkakaiba-iba ay maaaring maging lakas at yaman ng isang sibilisasyon.