Ang uri ng alipin na naninirahan sa sarili nilang bahay at nagbibigay taunang tributo sa datu ay tinatawag na Aliping Namamahay.Ang aliping namamahay ay may sariling tahanan at hindi agad pinatatawag ng datu maliban na lang kung kailangan siya. May karapatan rin siyang pumili ng mapapangasawa at hindi maaaring ipagbili. Nagbabayad siya ng taunang tributo bilang kapalit ng kanyang kalayaan sa bahay at ilang paglilingkod sa datu kapag pinatawag.