Hindi nagsisimba dati si Tiyo Simon dahil nawalan siya ng pananampalataya sa Diyos dahil sa kanyang kapansanan sa paa. Dahil dito, natutunan niyang tumalikod hindi lamang sa simbahan kundi pati na rin sa Diyos. Nagkaroon siya ng interes sa isang pilosopiyang nabasa sa librong "The Human Bondage" ni Maugham na hindi nagdala sa kanya ng kasiyahan, kaya lalo siyang naging bugnutin at magagalitin, nawalan ng mga kaibigan, at naging mapag-isa.