Ang unang pangkat ng mga tao na nakarating sa Pilipinas ay tinatawag na mga Austronesyano. Ayon sa Teoryang Austronesyano, sila ay nagmula sa Timog Tsina o Taiwan at naglakbay patungo sa Pilipinas gamit ang sasakyang balangay noong mga 2500 B.C.E. (Before Common Era). Sa kanilang pagdating, dala nila ang kanilang kultura, wika, at mga kasanayan tulad ng paglalayag, pagtatanim, at paggawa ng mga kagamitan.May dalawang pangunahing pananaw sa pinagmulan ng mga Austronesyano:Ayon kay Peter Bellwood, nagmula sila sa Timog Tsina/Taiwan at dumating sa Pilipinas gamit ang balangay.Ayon naman kay Wilhelm Solheim II, ang mga Austronesyano ay nagmula sa Indonesia at nagpalaganap sa pamamagitan ng pakikipagkalakalan at migrasyon sa Timog-Silangang Asya hanggang sa makarating sa Pilipinas.