HotelInfantesAgres - Bawat tanong, may sagot. Logo

In Filipino / Senior High School | 2025-08-06

Ano ang halimbawa ng tekstong impormatibo

Asked by steffyreignmagdalena

Answer (1)

Tekstong Impormatibo: Dengue paano maiiwasan?Ang dengue ay isang sakit na dala ng lamok na Aedes aegypti. Karaniwang nakukuha ito kapag nakagat ng lamok na may dalang dengue virus. Kadalasang sintomas ng dengue ay mataas na lagnat, pananakit ng katawan, pagsusuka, at pamumula ng balat.Sa Pilipinas, karaniwan ang pagtaas ng kaso ng dengue tuwing tag-ulan. Ito ay dahil sa mga lugar na may stagnant water na pinamumugaran ng mga lamok. Upang makaiwas, mahalagang panatilihing malinis ang kapaligiran at alisin ang mga posibleng pamahayan ng lamok gaya ng lumang gulong, paso, o lalagyan ng tubig.Ang tamang kaalaman at pag-iingat ay makatutulong upang maiwasan ang pagkalat ng sakit na ito.

Answered by DubuChewy | 2025-08-06