1. Mabigat ang trapiko kaya nahuli ako sa klase.Pangatnig: kaya2. Naglilinis siya ng silid habang nakikinig siya ng radyo.Pangatnig: habang3. Magbabasa ako ng aklat o manonood ako ng telebisyon.Pangatnig: o4. Hindi kumikibo si Mario kapag malapit si Anna sa kanya.Pangatnig: kapag5. Huwag mo siyang tularan sapagkat masama ang ginagawa niya.Pangatnig: sapagkat6. Sasabay sana ako kay Maricar pauwi subalit nakaalis na pala siya.Pangatnig: subalit7. Hindi pumasok sa paaralan si Nelia dahil sumakit ang kanyang ngipin.Pangatnig: dahil8. Hindi siya matipid sa pagkain palibhasa marami ang perang baon niya.Pangatnig: palibhasa9. Uuwi ako nang maaga para matulungan ko si Nanay sa mga gawaing bahay.Pangatnig: para10. Naghintay si Nanay sa sala hanggang dumating si Tatay mula sa opisina.Pangatnig: hanggang