Pagpapalaganap ng KamalayanMaglunsad ng mga kampanya sa edukasyon upang ipaalam sa publiko ang mga panganib ng e-waste sa kalusugan at kapaligiran.Ituro ang tamang paraan ng pagtatapon at pagrerecycle ng mga gamit-teknolohikal.Responsableng PagkonsumoBumili lamang ng mga gamit na kinakailangan at may mahabang buhay.Pangalagaan ang mga gamit upang hindi agad masira at kailangang palitan.Piliin ang mga produktong may eco-label o gawa sa recycled materials.PagrerecycleHanapin ang mga accredited e-waste collection points o recycling centers sa inyong lugar.Ihiwalay ang mga patapong gamit-teknolohikal sa iba pang uri ng basura.Suportahan ang mga programa ng gobyerno o pribadong sektor para sa e-waste recycling.Pag-aayos at Pag-uulit ng GamitKung maaari pa, ipaayos ang mga sirang gamit sa halip na itapon.I-donate o ibenta ang mga gamit na hindi na ginagamit ngunit gumagana pa.Mag-recycle ng mga parte ng gamit para sa ibang proyekto.PagtutulunganMakipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan, paaralan, at organisasyon upang maglunsad ng mga programa sa e-waste management.Suportahan ang mga batas at regulasyon na nagtataguyod ng responsableng pamamahala ng e-waste.