1. langitDenotasyon: Malinis at bughaw ang langit ngayong umaga.Konotasyon: Si Lola ang langit ng aming tahanan dahil sa kabutihan niya.2. bagyoDenotasyon: Nasira ang bubong ng bahay namin dahil sa bagyo.Konotasyon: Dumating siyang parang bagyo at binago ang buhay ko.3. kawayanDenotasyon: Ginamit nila ang kawayan sa paggawa ng bakod.Konotasyon: Si Lolo ay kawayan matibay sa gitna ng pagsubok.4. itimDenotasyon: Itim ang kulay ng kanyang suot na damit.Konotasyon: Nababalot sa itim ang kanyang puso dahil sa galit.5. buwayaDenotasyon: Nakakita kami ng buwaya sa ilog habang namamangka.Konotasyon: Ang pulitikong 'yan ay buwaya sa kaban ng bayan.Denotasyon - Ito ang literal o tunay na kahulugan ng isang salita.Makikita ito sa diksyunaryo. Wala itong malalim na kahulugan o emosyon.Konotasyon - Ito naman ang di-tuwirang kahulugan ng salita. Karaniwang malalim, may damdamin, o simboliko ang gamit nito.