Noon Mas simple ang buhay, tradisyonal ang teknolohiya, at ang mga tao ay umaasa sa kalikasan para sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan. Halimbawa, sa mga lugar tulad ng Tinajeros, mas maraming anyong lupa tulad ng kagubatan at patag, at tradisyunal ang pamamaraan sa pagsasaka at pangingisda. Mas mabagal ang takbo ng buhay at mas limitado ang access sa edukasyon, impormasyon, at komunikasyon.Ngayon Mas moderno ang pamumuhay dahil sa pag-unlad ng teknolohiya tulad ng telepono, internet, at sasakyan. Nagbago ang kalikasan dahil sa urbanisasyon at iba pang gawain ng tao. Mas malawak ang access sa edukasyon, kalusugan, at impormasyon. May mga imprastrakturang nagpadali ng transportasyon at komunikasyon.