Buod: Ang Odyssey ay isang epikong Griyego na isinulat ni Homer, na itinuturing na karugtong ng Iliad. Tampok sa epiko ang mahabang paglalakbay ni Odysseus pabalik sa kanyang bayan sa Ithaca matapos ang pagkatalo ng Troy. Inabot siya ng sampung taon ng pakikipagsapalaran bago siya nakauwi. Nagpanggap muna siyang pulubi upang alamin ang tunay na kalagayan ng kanyang pamilya. Samantala, ipinakita rin sa epiko ang katapatan ng kanyang asawang si Penelope at ang katapangan ng anak nilang si Telemachus sa pagprotekta sa kanilang tahanan mula sa mga manliligaw na nag-aakalang patay na si Odysseus.