Ang WordArt ay isang tampok sa mga word processing at desktop publishing software na nagbibigay-daan upang makalikha ng mga tekstong may iba't ibang espesyal na epekto gaya ng curves, kulay, anino, outline, 3D effects, at iba pa.Sa desktop publishing, ginagamit ang WordArt upang gawing mas kaakit-akit at kapansin-pansin ang mga teksto sa mga proyekto tulad ng posters, flyers, brochures, at iba pang publikasyon. Karaniwan itong ginagamit para sa mga pamagat o headline upang agad mapansin ng mga mambabasa at mapaganda ang disenyo ng dokumento.