Ang nagturo sa kinaroroonan nina Gregorio del Pilar ay isang Igorot na nagngangalang Januario Galut. Siya ang umano'y nagturo sa mga Amerikano ng lihim na daanan sa Pasong Tirad na ginamit nila upang masorpresa ang mga tropa ni Del Pilar, na naging dahilan ng pagkamatay ng batang heneral noong Disyembre 2, 1899 sa labanang iyon.