Ang "P" na tinutukoy ay "Propaganda".Ang Kilusang Propaganda ang kilusang nangangampanya para sa pagbabago ng sistema ng pamamahala ng mga Espanyol sa mapayapang paraan gamit ang pagsulat, talumpati, at pahayagan.Ang Kilusang Propaganda ay isang kilusan noong huling bahagi ng ika-19 na siglo na binuo ng mga edukadong Pilipino (tinatawag na mga ilustrado) na naninirahan sa Espanya at ilang bahagi ng Europa. Layunin nilang magkaroon ng reporma o pagbabago sa pamamalakad ng mga Espanyol sa Pilipinas sa paraang mapayapa at hindi marahas. Mga Layunin ng Kilusang Propaganda1. Pagkakapantay-pantay ng mga Pilipino at Espanyol sa batas.2. Pagkakaroon ng kinatawan ang Pilipinas sa Cortes (Kongreso) ng Espanya.3. Pagpapalaya sa kalayaan sa pamamahayag, pananalita, at relihiyon.4. Pagtigil sa pang-aabuso ng mga prayle at pagkakaroon ng sekularisasyon sa mga parokya.Mga Paraang GinamitPagsusulat ng mga sanaysay, nobela, pahayagan, at liham.Paglalathala ng pahayagan tulad ng La Solidaridad naging pangunahing plataporma ng mga repormista. Mga Pangunahing Tauhan:Jose Rizal – may-akda ng Noli Me Tangere at El FilibusterismoMarcelo H. del Pilar – patnugot ng La Solidaridad, sumulat ng mga mapanuring artikulo laban sa mga prayleGraciano López Jaena – orihinal na tagapagtatag ng La Solidaridad, mahusay na mananalumpati