Ang opisyal na wika ng Thailand ay ang Thai o Central Thai, na sinasalita ng may 53% ng populasyon bilang una o pangunahing wika. Ito rin ang ginagamit sa pamahalaan, edukasyon, at media.Bukod sa Central Thai, may mga rehiyonal na dialekto tulad ng Northern Thai (Kam Mueang), Northeastern Thai o Isan (isang Lao dialect), at Southern Thai (Pak Tai).Mayroon ding iba pang mga wikang katutubo mula sa mga pamilya ng wika tulad ng Austroasiatic, Sino-Tibetan, at Tai. Ang Lao ay sinasalita ng humigit-kumulang 27% at may mga komunidad na nagsasalita ng Chinese, Malay, Khmer, at iba pa.