Ang pagkawala ng labis na industriya sa Pilipinas ay maaaring maiugnay sa ilang mga dahilan:Pagbibigay-prayoridad sa sektor ng agrikultura kaysa industriya - Mas binigyang pansin ng pamahalaan ang agrikultura kaya nawawalan ng pondo, manggagawa, at suporta ang sektor ng industriya.Kakulangan ng suporta at polisiyang pang-industriya - May kahinaan ang pamahalaan sa pagpapatupad ng mga polisiya na magpapalakas sa sektor ng industriya.Pagpasok ng murang produktong imported - Nagdudulot ito ng kompetisyon na mahirap tustusan ng lokal na industriya kaya may mga lokal na pabrika na nagsasara o bumabagal ang produksyon.Pag-asa sa teknolohiya at makina na nagdulot ng pagkawala ng trabaho sa mga manggagawang walang sapat na kasanayan na naging sanhi ng pagsara ng mga gawaang manwal.Kakulangan ng pasilidad at imprastruktura tulad ng irigasyon, transportasyon, na nakakaapekto sa distribusyon at produksiyon.Pagdagsa ng mga dayuhang kalakal dahil sa liberalisasyon sa kalakalan na nagpapahirap sa mga lokal na produkto na makipagsabayan sa presyo at kalidad ng mga imported na produkto.