Mahalaga na malaman mo ang iyong karapatan at responsibilidad bilang isang indibidwal at bilang mamamayan ng bansa dahil ito ang nagbibigay sa'yo ng kamalayan kung paano mo dapat tratuhin at itrato ang iba. Sa pag-alam ng iyong karapatan, mapoprotektahan mo ang sarili mo laban sa pang-aabuso, diskriminasyon, at kawalang katarungan. Sa kabilang banda, ang kaalaman sa iyong mga responsibilidad ay nagtuturo sa’yo na maging disiplinado, makiisa sa pamayanan, sumunod sa batas, at mag-ambag sa kaayusan ng bansa.Kung lahat ng mamamayan ay may kamalayan sa mga ito, mas magiging maayos, makatarungan, at mapayapa ang lipunan. Ang kaalaman sa karapatan ay proteksyon, at ang pagtupad sa tungkulin ay ambag para sa ikabubuti ng nakararami. Ito ay mahalagang bahagi ng pagiging isang responsableng Pilipino.