HotelInfantesAgres - Bawat tanong, may sagot. Logo

In Filipino / Senior High School | 2025-08-04

GAWAING PAMPAGKATUTO SA FILIPINO Petsa: Agosto 4, 2025 MGA ELEMENTO NG KUWENTO (TEKSTONG NARATIBO) 1. Mga tauhan-gumaganap sa kwento (Halimbawa: Pagong, Kuneho) 2. Tagpuan- nakasaad ang lugar na pinangyarihan ng kuwento, gayundin ang panahon kung kailan naganap ang kuwento. (Hal: Sa bukid) 3. Suliranin-problema o pagsubok na nararanasan ng mga tauhan sa kuwento na kailangan malutas o masolusyunan. (Hal: Kung ang bida ay nawalan ng laruan, ang suliranin ay "Nawala ang laruan niya") Panuto: Basahing mabuti at unawain ang kuwento, pagkatapos ay sagutin ang mga tanong tungkol dito. "Si Miming ang Munting Kuting" (Isinulat ni Rosalina R. Zonio) Sa isang maliit na bahay nakatira sina Inang pusa at kaniyang anak na si Mimi. Isang araw, maagang nagising si Inang Pusa upang maghanda ng makakain. "Mimi! Anong gusto mong almusal?" tanong ni Inang Pusa. "Tinapay po, Inang," ang pangiting sagot naman ni Mimi. Dali-daling naghanap ng mabibilhang tindahan si Inang Pusa. Pag-uwi sa bahay ay agad pinagsaluhan ng dalawa ang nabiling tinapay. "Inang, mayroon pa pong natirang tinapay. Itatapon na ba natin ito?" tanong ni Mimi sa kaniyang nanay. "Naku, Mimi! Ipunin natin ang mga natirang tinapay at itago. Makakakain pa natin ito mamayang meryenda" mariing wika ng Ina. "Sige po, Inang. Ilalagay ko pong muli ang mga ito sa dating pinaglagyang plastik" wika ni Mimi. Nang araw na iyon, natutuhan ni Mimi ang maging masinop at matipid lalo na kung maaari pang pakinabangan ang mga ito. 4. Ano ang sinabi ni Mimi kay Inang Pusa tungkol sa mga natitirang tinapay? Panuto: Sagutin ang mga usmusunod na tanong. 1. Ano ang pamagat ng pabulang inyong narinig? 3. Sino ang pangunahing tauhan sa pabula? 5. Ano ang ugali mayroon ang mag-inang pusa? 2. Saan naganap ang kuwento?​

Asked by mesaelrepunte34

Answer (1)

“Si Miming ang Munting Kuting”Pamagat ng pabula: “Si Miming ang Munting Kuting”Pangunahing tauhan: Si Mimi (kutíng) at Inang PusaTagpuan: Maliit na bahay ng mag-inaSuliranin: Ano ang gagawin sa natirang tinapaySinabi ni Mimi: Tinanong niya kung itatapon na ang natirang tinapayUgali ng mag-ina: Masinop, matipid, mapagmahal

Answered by PrincessUmbriel | 2025-08-08