Ang sinaunang lipunan at kultura ng Malacca ay tumutukoy sa makapangyarihang Sultanato ng Malacca na umusbong noong ika-15 siglo sa kasalukuyang bahagi ng Malaysia. Ito ay naging isang mahalagang sentro ng kalakalan sa Timog-Silangang Asya, dahil dito dumaan ang mga mangangalakal mula sa China, India, Arabya, at iba pang bahagi ng mundo.Sa panahong ito, ang Malacca ay naging sentro rin ng Islamic learning at pagpapalaganap ng Islam, na nagdala ng malalim na pagbabago sa pananampalataya at kultura ng rehiyon. Sa kabihasnang ito umusbong ang Malay identity kung saan ang wikang Malay at ang Jawi script (bersyon ng Arabic script) ang naging pangunahing gamit sa kultura, panitikan, at relihiyon.