Tinig ng KarununganHindi ka napagod magpayo sa akin.Kahit oras mo'y kay hirap hatiin,Tahimik kang gumabay sa lalandasin,Binuhos mo ang puso sa amin,Ikaw ang ilaw sa madilim na haharapinAng pag-asa nami'y iyong pinalabas,Na hindi huminto kahit anong madanas,Na abutin kahit tila'y kay taas.Ang malasakit, kahit wala kang oras,Ang sakripisyo mo'y tunay na wagas.Hindi ka bayani sa kasaysayan,Hindi ka heneral ng mga labanNgunit ikaw ay haligi ng bayan.Bawat aral mong iniwan sa isipan,Amin nang baon hanggang kinabukasan.Salamat sa iyong pag-unawa,Kahit ibigay na ang buong kaluluwa,Sa amin ika'y di nagsasawaSa iyong mga salita’t gawa,Kami'y palaging matutuwa.Ang tula ay isang uri ng panitikan na nagpapahayag ng damdamin, kaisipan, at karanasan sa masining na paraan gamit ang mga piling salita. Binubuo ito ng mga taludtod, na siyang mga linya ng tula, at ang bawat grupo ng mga taludtod ay tinatawag na saknong.Sa pamamagitan ng tula, naipapahayag ng makata ang kanyang saloobin at pananaw sa buhay sa paraang malikhain at madamdamin. Ito rin ay maaaring may sukat at tugma o kaya'y malayang taludturan, ngunit ang layunin ay palaging maghatid ng ganda at damdamin sa mambabasa.