Noong Disyembre 2, 1899, naganap ang Labanan sa Tirad Pass sa pagitan ng 60 sundalong Pilipino sa ilalim ni Heneral Gregorio del Pilar at mahigit 300 sundalong Amerikano. Inatasan si Del Pilar na pigilan ang kalaban upang makaligtas si Pangulong Emilio Aguinaldo. Sa kabila ng maliit na bilang, buong tapang na hinarap ng mga Pilipino ang labanan mula sa tuktok ng bundok.Habang lumalaban, tinraydor sila mula sa likod at isa-isang napatay ang mga kawal. Si Del Pilar ay nasawi matapos isulat sa kanyang talaarawan, “Ang ginagawa ko ngayon ay para sa aking iniibig na bayan.” Kinuha ng mga Amerikano ang kanyang mga gamit, ngunit hindi nila nakuha ang kanyang diwa ng pagmamahal sa bayan.Hinangaan maging ng kalaban ang kanyang kabayanihan. Ipinag-utos ng isang Amerikanong opisyal ang kanyang marangal na libing. Hanggang ngayon, si Gregorio del Pilar ay itinuturing na simbolo ng katapangan at sakripisyo para sa kalayaan ng bayan.