Sa panahon ngayon na patuloy na nagiging moderno ang mundo, marami na ring klase ng artificial intelligence o AI na ginagamit. Hindi lang ito nakikita sa mga application kundi pati na rin sa mga appliances, sasakyan, at maging sa mga ospital at paaralan.Para sa akin, may maganda at masama itong naidudulot. Maganda ang AI dahil nakakatulong ito na mapadali ang mga gawain ng tao. Halimbawa, mas mabilis na ang paghanap ng impormasyon, pag-aayos ng dokumento, at kahit ang paggawa ng mga creative outputs gaya ng art o kanta. Malaking tulong din ito sa negosyo at teknolohiya. Pero may masama rin itong epekto. Dahil sa AI, may mga trabahong nawawala kasi napapalitan na ng mga advance machine. May mga estudyante na umaasa na lang sa AI at hindi na talaga natututo. Posible rin na magamit ito sa maling paraan tulad ng panlilinlang gamit ang fake videos o pekeng impormasyon.Kaya para sa akin, ang AI ay isang makapangyarihang teknolohiya. Depende sa paggamit natin kung magiging kapaki-pakinabang ito o magiging sanhi ng problema. Mahalaga na habang umaasa tayo sa AI, marunong pa rin tayong gumamit ng sariling isip at maging responsable sa paggamit nito.Use A.I wisely