Mahalaga ang paggamit ng unang wika (mother tongue) dahil ito ang unang wikang natutunan ng isang tao at ginagamit sa tahanan.Mas madali itong nauunawaan at naipapahayag ng bata, kaya mas epektibo ang pagkatuto.Pinalalakas nito ang pagkakakilanlan at kultura ng isang tao, dahil nakaugat ito sa kanyang pinagmulan.Nagiging tulay ito sa pagkatuto ng iba pang wika, tulad ng Filipino at Ingles.Nagpapalalim ito ng pag-unawa sa aralin, lalo na sa mga batang nagsisimula pa lang mag-aral.Pinapatibay nito ang komunikasyon sa pamilya at komunidad.