Ang kasaysayan ay ang pag-aaral at pagsusuri ng mga tunay na pangyayaring naganap sa nakaraan na may malaking epekto sa buhay ng tao at sa pag-unlad ng lipunan. Layunin nitong maunawaan ang pinagmulan ng kultura, pamahalaan, at mga institusyon ng isang bansa.Mga Elemento ng Kasaysayan:Tao – sila ang pangunahing tagaganap ng kasaysayan; ang kanilang mga aksyon, desisyon, at karanasan ang bumubuo sa mga mahahalagang pangyayari.Panahon – tumutukoy sa tiyak na petsa o yugto kung kailan naganap ang isang kaganapan sa kasaysayan.Lugar – ang lokasyon kung saan naganap ang mga makasaysayang pangyayari.Bukal o Pinagmulan (Sources) – ito ang mga sanggunian tulad ng dokumento, larawan, kasulatan, at salaysay na ginagamit upang mapatunayan o maitala ang isang pangyayari.