Panuto: (Para sa aytem 36-40) Salungguhitan ang pandiwa at suriin ang gamit ng pandiwa sa mga sumusunod na pangungusap. Piliin ang sagot sa kahon at isulat ang titik na kumakatawan sa iyong sagot sa patlang bago ang bilang. Panuto: a. aksiyon b. karanasan c. pangyayari d. proseso 36. Natuwa si Cupid nang ipagkaloob ni Jupiter ang ambrosia kay Psyche. 37. Sumibol ang panibugho sa puso ni Venus nang makita niya ang labis na paghanga ng tao sakagandahan ni Psyche. 38. Tumalima si Psyche sa lahat ng gusto ni Venus. 39. Nalungkot ang lahat nang mabalitaan ang masamang nangyari. 40. Sumasaya ang mukha ni Venus sa nakikita niya sa paligid. (Para sa aytem 41-45) Basahing mabuti ang sumusunod na pangungusap. Suriin kung anong damdamin ang ipinapahiwatig sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang. 31. Napakahangal mo! Bakit hindi mo hanapin ang kaibigan mong si Madamme Forestier. 32. Naku! Nabundol ng truck ang taong nagbibiseklita 33. Totoo? Nagawa niyang patayin ang sarili niyang anak? 34. Palimos po. Pahingi naman ng konting barya. Gutom po ako. 5. Yehey! Pasado ang anak ko sa board eksam. Panuto: (Para sa aytem 46-50) Panuto: Basahin at unawain ang mga panutong nakasulat. Gawin ito sa sulatang papel. 1.Isulat ang buong pangalan sa pinaka baba ng inyong papel 2.Sa ibaba ng pangalan, isulat ang baytang at seksyon 3.Sa labi ng bilang ng seksiyon, isulat ang petsa ngayong araw. 4. Sa ibaba ng pangalan mo, Isulat ang kumpletong pangalan ng iyong tagapayo. 5.Sa hulihan, isulat ang buong pangalan ng bago nating punong-guro.