Mga Halimbawa ng PangatnigAtSi Anna ay masipag mag-aral at palagi siyang nakakakuha ng mataas na marka.Binili ko ang saging at mansanas sa palengke.OPupunta tayo sa parke o manonood na lang tayo ng sine sa bahay.Gusto mo ba ng kape o gatas para sa almusal?SubalitGusto niyang lumabas para maglaro subalit umulan nang malakas.Kahit pagod siya sa trabaho subalit nagluto pa rin siya ng hapunan para sa pamilya.NgunitMaganda ang boses ni Maria ngunit nahihiya siyang kumanta sa harap ng maraming tao.Nagsikap siyang mag-aral ngunit hindi pa rin siya pumasa sa pagsu-sulit.DatapwatMarami siyang pera datapwat hindi siya marunong gumastos nang tama.Matalino ang bata datapwat kailangan pa rin niya ng gabay sa kanyang pag-aaral.HabangNaglalaro ang mga bata sa labas habang nagluluto ang kanilang nanay.Nakikinig ako sa musika habang naglilinis ng bahay.UpangNag-ipon siya ng pera upang makabili ng bagong cellphone.Nag-aaral siya nang mabuti upang makamit ang kanyang mga pangarap.DahilHindi siya nakapasok sa klase dahil nilalagnat siya.Masaya si Ana dahil bumisita ang kanyang mga kaibigan.KayaMasakit ang ngipin niya kaya pumunta siya sa dentista.Nag-aral siyang mabuti kaya nakapasa siya sa board exam.SamantalaNagbabasa si Itay ng dyaryo samantala nanonood naman si Inay ng TV.Nagpapahinga ang mga atleta samantala naghahanda na ang kanilang mga coach.KungAalis tayo kung matatapos mo na ang iyong takdang-aralin.Bibigyan kita ng pabuya kung mahahanap mo ang nawawala kong libro.